KUNG pagbabatayan ang paglubog ng mga lungsod sa National Capital Region, hindi pa rin natutugunan ng pamahalaan ang problema sa baha ng Metro Manila.

Batay sa ulat ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA), lumubog sa baha ang malaking bahagi ng kabisera bunsod ng mabigat na buhos ng ulan na dala ng sabayang epekto ng bagyo at habagat.

Sa datos ng ng MMDA, hindi nadaanan ng mga sasakyan ang Dr. A. Santos Avenue sa Paranaque City bunsod ng bahang umabot sa tuhod ang lalim.

Sa Las Piñas City, abot tuhod ang baha, habang gutter-deep naman sa Valenzuela City.

Umabot din sa tuhod ang lalim ng baha sa Boni Avenue at F. Ortigas Street sa Mandaluyong City. Gutter-deep ang tubig-baha sa Taft Avenue at Quirino Avenue northbound sa lungsod ng Maynila. 

Baha rin sa Malabon City, Marikina, Taguig, Pateros, Quezon City, Pasay, Las Pinas, Caloocan, Malabon, Navotas at iba pang lungsod sa Metro Manila.

Lumikha rin ng matinding pagsisikip sa daloy ng trapiko bunsod ng kabi-kabilang baha sa Metro Manila.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *