SHORT circuit sa linya ng kuryente ang sinisilip na dahilan sa likod ng pagsiklab ng sunog sa Manila City Hall, Miyerkules ng umaga. Sa ulat ng Smart Team ni Mayor Isko Moreno, nagsimula umano ang sunog sa mismong tanggapan ni Vice Mayor Chi Atienza sa ikalawang palapag ng gusali. Partikular na natupok ng apoy ang bahagi ng pantry o kusina ng Vice Mayor’s Office na nasa tabi ng opisina ng Manila City Hall Press Club (MCHPC). Sa loob ng lang ng 30 minuto agad na naapula ng mga bumbero mula sa Bureau of Fire Protection ang sunog na itinawag ng Smart Team ni Moreno. Walang namang iniulat na nasaktan o nasawi sa insidenteng patuloy na iniimbestigahan ng BFP. Facebook Twitter/X LinkedIn Post navigation Flood control sablay, Metro Manila lubog pa rin sa baha Habambuhay hatol sa 2 Chinese drug smuggler