PUSPUSAN, paspasan. Ganito ang paglalarawan ni Senador Panfilo Lacson sa proseso ng pagpapatitulo sa nasa 38.83 ektaryang bahagi ng Laguna de Bay sa lungsod ng Taguig. Sa isang kalatas, partikular na tinukoy ni Lacson ang umano’y irregularidad sa likod ng mga titulo ng apat na lupain na sinasabing pinatinabunan ni Senador Alan Peter Cayetano. Kabilang sa mga tinukoy ni Lacson ang titulo ng kalahating ektaryang dumaan sa Judicial/Ordinary Land Registration Processing; gayundin ang halos isang ektaryang sakop ng Administrative Patent; 18-ektaryang saklaw ng Homestead Patent; at 19.3-ektaryang lupa na bahagi ng lawa. Binuking din ni Lacson ang apat na iba pang putol ng lupang wala pa rin aniyang plotted titled lots sa digital file ng Land Registration Authority (LRA). Ibinahagi rin ni Lacson ang nakatakdang pagsusumite sa Office of the Ombudsman ng mga bagong tuklas na ebidensya — “All of these will likewise be turned over to the Ombudsman fact-finding team for their further appropriate action.” Una nang hinamon ni Cayetano si Lacson na maglabas ng ebidensya bago kumuda. “Since Sen Cayetano keeps publicly asking for evidence, I’ll give it to him, in the spirit of public interest,” ani Lacson. Facebook Twitter/X LinkedIn Post navigation La Mesa Dam umapaw sa bagsik ng Habagat Flood control sablay, Metro Manila lubog pa rin sa baha