WALONG taon mula nang hatulan ng Sandiganbayan ng pagkakakulong para sa kasong katiwalian, hindi man lang nakatungtong sa loob ng piitan si dating Unang Ginang Imelda Romualdez Marcos na ina ng pangulo. Tulad ng inaasahan, binaligtad ng Korte Suprema ang sentensyang iginawag hinggil sa kaso ng graft (7 counts) na may kinalaman sa umano’y financial interests sa mga pribadong foundation sa Switzerland. Sa desisyon ng Supreme Court First Division na may petsang Hunyo 10, tuluyan nang pinawalang-sala ang hatol ng Sandiganbayan noong Nobyembre 2018 kaugnay ng kasong paglabag sa Anti-Graft and Corrupt Practices Act. Sa naunang hatol ng Sandiganbayan, sinentensiyahan si Marcos ng pagkakakulong na mula anim na taon at isang buwan hanggang 11 taon para sa bawat count. Bukod sa parusang kulong, pinatawan din ng perpetual disqualification sa paghawak ng pampublikong posisyon ang ina ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. Batay sa impormasyon ng kaso sa Sandiganbayan, nagtayo umano private foundations sa Switzerland ang dating Unang Ginang na noo’y nakaupo bilang Metro Manila governor. Sa mga naturang private foundation umano ikinukubli ni Imelda at ng yumaong asawa na si former President Ferdinand Marcos Jr., ang mga tagong yaman ng pamilya. Facebook Twitter/X LinkedIn Post navigation Isa pang talunan sa halalan, binigyan ng pwesto sa gobyerno Ombudsman tutol sa hospital arrest ni Romualdez