ISA na namang talunang kaalyado sa nagdaang halalan ang nanumpa sa Malacanang matapos italaga ni Pangulong Marcos Jr. sa pwesto sa gobyerno. Sa isang kalatas ng Presidential Communications Office (PCO), partikular na tinukoy ang paghirang kay dating Senador Manny Pacquiao bilang lead convenor ng National Anti-Poverty Commission (NAPC). Papalitan Pacquiao NAPC Lead Convenor Lope Santos III. Higit na tanyag si Pacquiao sa larangan ng professional boxing kung saan natamo niya ang natatanging record bilang eight-division world champion. Taong 2016 nang una siyang sumabak sa pulitika bilang kandidato sa pagiging senador. Pagsapit ng 2022, tumakbo siya sa bilang pangulo laban kay Marcos. Taong 2025, napasama si Pacquiao sa mga pambato ni Marcos sa senatorial race subalit hindi pinalad makapasok sa Magic 12. Facebook Twitter/X LinkedIn Post navigation Pagkatapos ng CIF, tagong yaman ni Duterte ilalantad