MALUGOD na tinanggap ni House prosecutor at Bicol Saro party-list Rep. Terry Ridon ang rekomendasyon ng Quezon City prosecutor’s office na ibasura ang kasong inihain ni Atty. Manases Carpio laban sa ilang miyembro ng Kamara at opisyal ng gobyerno. “Tama lang na ibinasura ng piskalya ang malisyoso at walang batayang kaso ni Mans Carpio laban sa aming House prosecutors at iba pang mambabatas,” ang sabi pa ni Ridon. Matatandaan na inirereklamo ni Carpio ang paglalantad sa publiko ng bank records nila ng asawang si Vice President Sara Duterte sa naging pagdinig ng Kamara dahil labag umano ito sa bank secrecy, data privacy at anti-money-laundering laws. Sa 23-page resolution ng QC city prosecutor, sinabi nito na bahagi ng tungkulin sa taumbayan ang ginawa ng mga inireklamong government officials kaya wala paglabag sa batas ang nagawa. “Tunay na papaliit na ang mundo ng mag-asawang Duterte-Carpio. At talagang papunta na tayo sa exciting part.” Ang naibulalas pa ni Ridon bilang reaksyon sa nasabing desisyon ng piskalya kung saan isa siya sa respondents. Facebook Twitter/X LinkedIn Post navigation Ombudsman tutol sa hospital arrest ni Romualdez Tagausig game patunayan tagong yaman ni Duterte