TINIYAK ng prosekusyon na magiging kapana-panabik ang muling paggulong ng Senate impeachment trial sa pagdipa ng pagprisinta ng mga ebidensya at testigo sa usapin ng tagong yaman ng mag-asawang Vice President Sara Duterte at Atty. Mans Carpio. Ayon kay Deputy Speaker at La Union Rep. Paolo Ortega V, kung ibabase sa nakaraang pagdinig ng House Committee on Justice, ang Article II ang siyang pinakamalakas na kaso laban sa bise presidente. “So again, this will be explosive, this will be exciting, at patuloy po nating panoorin ang impeachment trial,” wika ng ranking House official. Ani Ortega, handang-handa na ang House prosecution panel para sa paglalatag ng mga ebidensiya, tulad ng higit 1,800 financial documents at hanggang 25 witnesses. Kabilang umano sa nakalinyang ipatatawag para maging saksi ay sina former Sen. Antonio Trillanes IV, mga opisyal o kinatawan ng Anti-Money Laundering Council (AMLC), Bureau of Internal Revenue (BIR) at Securities and Exchange Commission (SEC), habang si Ombudsman Crispin Remulla naman ay nakalinya bilang potential witness. “Ayoko naman pangunahan iyong team kung sino or ano iyong order of witnesses, pero Trillanes is coming,” sabi pa ni Ortega, Kinumpirma ni House prosecutor Manila Rep. Joel Chua na susunod na linggo ay ang Article II na ang isasalang sa impeachment trial matapos ang naging presintasyon nito ng Article I, na may kaugnayan sa akusasyon na maling paggamit umano ng bise presidente ng nasa kabuuang P612.5 million confidential funds. “By next week sisimulan na po natin ang presentation ng unexplained wealth,” sabi pa Chua. Itinuring ni Chua si Trillanes bilang isa sa mahalagang testigo dahil ito ang financial information nito na na naiprisinta sa House panel hearing ay tumutugma sa AMLC records. Dagdag ng Manila solon, mananatili namang opsyon ng prosekusyon kung ipatatawag si Duterte para sumalang sa witness stand ng Senate impeachment court. Facebook Twitter/X LinkedIn Post navigation Mundo ng mga Duterte, lumiliit na — Rep. Ridon No Sara, no problem — House Prosecutor