TIMBOG sa operasyon ng mga tauhan ng Special Manila Reaction Team (Smart) ang tinaguriang Lupin ng Maynila. Isang pulong-balitaan, kinilala ni Manila City Mayor Isko Moreno ang 47-anyos na suspek na si Rolando Cabigting ng Tondo, Maynila. Sa imbestigasyon ng Manila Poli DIstrict (MPD), hinoldap umano ng suspek ang isang empleyado sa harap ng pinagtatrabahuhang establisyemento sa kahabaan ng Kalye Tuazon sa Sampaloc Maynila. Kwento ng biktimang si Christine del Mundo, tinutuka umano siya ng suspek gamit ang isa ‘pen gun’ at pilit kinuha ang pagmamay-aring iPhone 14. Matapos ang insidente, agad na tumawag ng saklolo ang biktima. Ilang saglit pa, rumesponde ang pinagsanib na pwersa ng MPD at Smart. Agad naman naaresto sa follow-up operation ang suspek. Narekober kay Cabigting ang ninakaw na iPhone, baril at bala. Kasalukuyang nakapiit ang suspek na nahaharap sa kasong Robbery hold-up at illegal possession of firearms and ammunition. Sa isang mensahe, sinabi ng alkalde na walang puwang sa nasasakupang lungsod ang mga kawatan. Facebook Twitter/X LinkedIn Post navigation 5 kawani ng Taguig LGU, sinampahan ng kaso