APAT na Pinoy seaman ang kumpirmadong nasawi matapos bombahin ng Iran ang sinasakyang barko habang tumatawid sa Strait of Hormuz.

Ayon kay Department of Migrant Workers Secretary Hans Leo Cacdac, marami pang Pilipino ang nasa panganib bunsod ng paglala ng tensyon sa pagitan ng Iran at Estados Unidos.

Sa dinaluhang Philippine Maritime Convention ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa Manila Hotel kamakailan, inamin ni Cacdac na ang mga nasawi ay kabilang sa tatlong una nang napaulat na sakay ng oil tanker na tumatawid sa Strait of Hormuz noong nakaraang buwan habang ang isa naman ay Pebrero nang napaulat na “missing.”

Sa datos na nakalap ng naturang ahensya, pumalo na sa 35 barko ang inatake habang dumadaan sa Strait of Hormuz sakay ang tinatayang 500 Pinoy seafarers.

Sa naturang bilang nasa 350 na ang ligtas na nakabalik sa Pilipinas habang patuloy naman ang inihahanda ang repatriation ng iba pang Pinoy na naipit sa digmaan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *