TULUYAN nang umarangkada ang implementasyon ng No Contact Apprehension Policy (NCAP) sa limang lungsod sa National Capital Region (NCR) 

Kabilang sa mga lungsod kung saan ganap na sinimulan ang panghuhuli — sa tulong ng makabagong teknolohiya — ng mga motoristang lumalabag sa batas trapiko ang Manila, Quezon City, Valenzuela, Parañaque, at Muntinlupa.

Sa ilalim ng NCAP, hindi na traffic enforcers ang sisita sa mga motorista. Gamit ang high-resolution digital camera, matutukoy na agad ang plaka ng mga sasakyang mahuhuli sa paglabag ng batas trapiko.

Papatawan ng multa ang mga motorista batay sa Metro Manila Traffic Code of 2023. Wala rin umanong lusot ang mga motoristang ayaw mag multa, maglalabas ng violation alert sa online portals ng mga lokal na pamahalaan, gayundin sa  eGovPH Super App sa pamamagitan ng MMDA NCAP service.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *