POSIBLENG isulong ng House prosecution ang pagbusisi sa financial records ng isang organisasyon na posibleng ginamit na bagsakan ng pera mula sa China Sa Day 34 ng impeachment trial, partikular na tinukoy ni House prosecution counsel Mae Divinagracia ang Tapang at Malasakit Alliance for the Philippines na umano’y itinatag ni Vice President Sara Duterte. Sa naturang pagdinig, hayagang tinanong ni Senator-Judge Bam Aquino ang prosekusyon kung interesado ang lupon ng tagausig ipakuha ang financial record ng naturang organisasyon na posible umanong nakatanggap din ng donasyon mula sa bansang China. “Na-bring up na rin yung possible donations from China. Will there be any move to get the records of Tapang at Malasakit Alliance?,” tanong ni Aquino sa prosekusyon. “We are considering it, Your Honor,” sagot naman ni Divinagracia. Taong 2018 nang makatanggap umano ng P150 milyon ang naturang organisasyon para sa pagpapatayo ng 13 school buildings sa Davao City. Subalit ayon kay Anti-Money Laundering Council (AMLC) Secretariat Executive Director Ronel Buenaventura, hindi pwedeng ilabas ang naturang rekord maliban na lang kung isa-subpoena ng Senate impeachment court. Samantala, dahil wala umanong legal, trade o economic justification ay naituring ng AMLC bilang suspicious transactions ang pagpasok na P319.33 million sa Cale88 Foods Corp. mula sa China at Hong Kong. “The reason indicated is there is no underlying legal or trade obligation, purpose or economic justification,” ani Buenaventura. Subalit para kay Senator-Judge Risa Hontiveros, ang ilan sa mga kumpanyang nasa likod ng Cale88 remittances ay Chinese state-owned enterprises. Kabilang sa mga tinukoy ni Hontiveros ang China National Township Enterprises na nasa ilalim ng China Ministry of Agriculture at naging state-owned agricultural enterprise. Gayundin ang Beijing Jianwei Fang Food Company at ang ugnayan ng nasabing kumpanya sa Xinjiang Fruit Industry Group, na isa ring Chinese state-owned enterprise. Facebook Twitter/X LinkedIn Post navigation Water crisis namumuro, tipid-tubig hirit ng DENR