HINDI biro ang nakaambang epekto ng tinaguriang Super El Niño sa Pilipinas, ayon sa Department of Environment and Natural Resources (DENR) kasabay ng panawagan para sa ibayong pagtitipid ng tubig bago pa man maganap ang pingangambahang tagtuyot. Sa isang pulong-balitaan sa Malacañang, hinikayat ni Environment Secretary Juan Miguel Cuna ang publiko na iwasan ang pag-aaksaya ng tubig lalo pa’t wala aniya masyadong pag-ulan na magaganap sa mga susunod na buwan. Kabilang sa aniyaq’t dapat limitahan ang nakasanayang paghuhugas ng sasakyan at paglilinis ng garahe. Sakali naman aniyang bumuhos ang ulan, nanawagan ang Kalihim na samantalahin ang pagkakataon para makaipon ng tubig para sa pagdidilig, paghuhugas ng sasakyan, paglilinis ng garahe at iba pang pwede aniyang paggamitan. Hinikayat din ni Cuna ang paggamit ng “recycled water” para panatilihing luntian ang mga pasyalan at mga recreational facilities tulad ng golf course. Samantala, inaasahan naman maglalabas ng bukod na alituntunin ang National Water Resources Board sa paglalaan ng tubig para sa inumin, irigasyon at paglikha ng kuryente. Facebook Twitter/X LinkedIn Post navigation P4.4B labas-masok sa bangko, Mans Carpio damay sa kaso? Donasyon ng China sa ‘foundation’ ni Sara, tatalupan