INAASAHANG ilalabas ng mga pinatawag bank representative ang account-level details ng financial records ng naunang nailabas ng Anti-Money Laundering Council (AMLC) na may kaugnayan sa financial transactions ng mag-asawang Vice President Sara Duterte at Atty. Manases Carpio.

Ayon kay House Prosecutor at Bicol Saro Partylist Rep. Terry Ridon, kabilang sa maaring lamanin ng testimonya ng kinatawan ng iba’t-ibang banking institutions ay ang opening at closing balances at entries sa accounts ng mag-asawa.

“Inaasahan natin iyong particular na detalye po ng statements of bank accounts ng mag-asawang Duterte-Carpio at kanila pong mga negosyo. So, puwedeng makita natin doon siguro iyong mga starting balance, ending balance; basically, line items po noong mga accounts,” wika ni Ridon.

Base sa AMLC records na naiprisinta sa naunang paglilitis, mayroong kabuuang ₱4.4 billion ang naitalagang covered at suspicious transactions sa bank accounts ng bise presidente at mister nito mula 2007 hanggang 2025.

Kabilang dito ang pitong inter-account transfers, na aabot sa halagang ₱193.71 million noong March 28, 2014, sa BPI joint account ni Duterte at amang si former President Rodrigo Duterte.

Sinabi naman ni House prosecution adviser and spokesperson Ace Barbers na sa pamamagitan ng bank representatives, maikukumpara ang records ng mga mismong bangko at ng AMLC.

“Yes, definitely, it will confirm iyong report ng AMLC,” ani Barbers.

“So, it will now validate iyong report na iyon, na hindi ito minanipula o finabricate lamang ng AMLC kundi may basehan. Iyon ang magpapatunay diyan.”

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *