HULI na nang napagtanto ng 33-anyos na indibidwal na akyat-bahay pala ang diskarte ng dalawang empleyado ng kinontak na lipat-bahay app.

Ayon kay Brig. Gen. Christopher Olazo na tumatayong acting director ng Quezon City Police District (QCPD), hindi bababa sa P644,000 ang halaga ng alahas na ninakaw umano ng mga suspek na kinilala lang sa pangalang Vin at Jo na kapwa residente ng BArangay Tatalon, Quezon City.

Sa ulat ni Lt. Col Gemmer Tubiera, hepe ng Batasan Police Station, nag-book ang 33-anyos na biktima ng serbisyo sa transportasyon gamit ang Transportify app noong Oktubre 2, upang ilipat ang kanyang mga gamit sa bahay patungo sa bagong tirahan. 

Kinabukasan, natuklasan nawawala ang kanyang kahon ng alahas. Matapos suriin ang CCTV footage mula sa kanyang dating tirahan, nakita niya umano ang transport helper na kumukuha ng kahon ng alahas mula sa mesa sa dining room.

Agad na iniulat ng biktima ang insidente sa Batasan Police Station na agad naman nagsagawa ng follow-up operation na humantong sa pagka aresto  sa sa mga suspek.

Nabawi rin ng  mga pulis ang ninakaw na alahas, habang nakapiit naman ang dalawang suspek na nahaharap sa kasong pagnanakaw.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *