KASABAY ng paghina ng ekonomiya ng bansa, patuloy naman ang pagbagsak ng satisfaction rating ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., batay sa pinakahuling survey ng Social Weather Station (SWS). Sa datos ng SWS para sa buwan ng Setyembre, nasa 46 percent ng mga Pinoy na nasa hustong gulang ang hindi nasiyahan sa trabaho ni Marcos — mas mataas kumpara sa 35 percent na nagsabing ginagampanan ng Pangulo ang nakaatang na mandato. Nasa 20 percent naman ng mga respondents ang hindi pa nakapagpasya. Alinsunod sa panuntunan ng SWS, lumalabas na “poor” ang grado ng Pangulo. Gayunpaman, nilinaw ng SWS na hindi hamak na mas maganda ang pinakabagong satisfaction rating ni Marcos kumpara sa negative 15 na nasungkit ni Marcos noong Marcos ng kasalukuyang taon. Isinagawa ang survey mula Setyembre 21 hanggang 27 sa pamamagitan ng face-to-face interviews sa 1,500 adult Filipino. Facebook Twitter/X LinkedIn Post navigation Mainit na Pasko asahan ngayong taon — Pagasa