TALIWAS sa nakagisnang malamig na simoy ng hangin sa huling bahagi ng taon, higit na mainit na temperatura ang posibleng maranasan ngayon panahon ng Kapaskuhan. Sa isang panayam, sinabi ni Dr. Nathaniel Servando na tumatayong administrador ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (Pagasa) na magkakaroon lamang umano ng panandaliang malamig na temperatura dahil sa epekto ng El Niño. “With our projections on the temperature, it is relatively warmer. Not necessarily na hindi natin maramdaman ang lamig, may mga lamig but short-lived siguro. Relatively, in general, it’s relatively warmer,” wika ni Servando. Ayon kay Servando, ang mainit na Kapaskuhan ay bahagi ng epekto ng El Niño. Katunayan aniya, posibleng umabot sa 48°C ang heat index (katumbas ng 38.7°C actual temperature) sa ilang bahagi ng bansa pagsapit ng Marso ng susunod na taon. “Ang nakikita namin, by March, the temperature could reach as high as 38.7 degrees but of course in-expect natin na, ito’y actual temperature… ang heat index could go as high as plus 10 degrees.” Aniya, mas mataas na heat index ang maaaring maranasan lalo na sa mga urban areas tulad ng Metro Manila. Facebook Twitter/X LinkedIn Post navigation Halaga ng piso, lagapak na naman sa record-low Satisfaction score ni Marcos, sumemplang sa negative 11