SA gitna ng isinasagawang imbestigasyon ng Office of the Ombudsman sa umano’y irregularidad sa likod ng reclamation project sa kahabaan ng C6 Road sa Taguig, inawat ng Laguna Lake Development Authority (LLDA) ang pagtatapon ng lupa sa isang bahagi ng lawa. Sa isang multi-agency ocular inspection, nanindigan ang LLDA na walang kaukulang pahintulot sa nasabing ahensya ang “backfilling” at “reclamation.” Batay sa isinagawang inspeksyon, apat na reclamation projects ang inisyuhan ng Ex-Parte Cease and Desist Orders sa rekomendasyon ng Shopreland Task Force at Enforcement Division ng LLDA. Partikular na tinukoy ng ahensya ang umano’y perwisyong idudulot ng reclamation sa pinakamalaking lawa sa buong bansa. Facebook Twitter/X LinkedIn Post navigation 375-ektaryang bilibid sa Munti pauupahan ng BuCor