TARGET ng gobyerno makalikom ng pondo sa nalalapit ng pagsasara ng New Bilibid Prison (NBP) facility sa Muntinlupa City.

Sa isang panayam sa Bilyonaryo News Channel, nilinaw ni BuCor Director Gregorio Catapang na walang plano ang gobyerno ibenta ang 375-ektaryang lupain na nagsilbing pambansang piitan sa loob ng mahabang panahon.

Gayunpaman, inamin ni Catapang na plano ng gobyerno paupahan sa pribadong sektor ang malawak na lupain sa naturang lungsod.

Sa pagtataya ng BuCor chief, inaasahang makakalikom ng P1 bilyon hanggang P2 bilyon ang kawanihan sa renta ng lupang pagmamay-ari ng estado.

“We will not be selling it. Maiiwan po yung aming office. And then, ipapa-lease namin ‘yung property kasi nga it’s 375 hectares, bigger than the BGC,” wika ni Catapang.

“‘Yung aming property sa Muntinlupa, total napaikutan na kami ng first-class subdivisions, we will convert it into a global city,” aniya pa.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *