SA gitna ng usap-usapan hinggil sa umano’y napipintong pakikipag-alyansa sa administrasyong Marcos, nanindigan si former Vice President Leni Robredo na wala siyang planong sumabak sa 2028 presidential elections.

Ayon kay Robredo na kasalukuyang nanunungkulan bilang alkalde ng Naga City, wala siyang planong tumakbo sa anumang national elective position.

Aniya, higit niyang pagtutuunan ang pangangailangan ng mga residente ng Naga City.

“Hindi na ko nababagay sa national… mas kailangan ako ng aking mga kababayan dito sa Naga City,” wika ng dating bise-presidente sa dinaluhang leadership training ng Vice Mayors’ League of the Philippines (VMLP).

Paglilinaw ni Robredo, ang posisyon sa gobyerno ay hindi pribilehiyong mamuhay nang marangya, kundi isang tungkulin maglingkod at agarang tumugon sa pangangailangan ng publiko.

Una nang lumutang ang pangalan ni Robredo sa mga posibleng suportahan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. bilang kandidato ng administrasyon sa 2028.

Bukod kay Robredo, kabilang rin sa mga sinasabing posibleng tumakbo sa 2028 presidential elections sina Senador Risa Hontiveros at Liza Araneta-Marcos.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *