HINDI tulad ng dati, hindi na dinedeliver sa pantalan o pinadadaan sa mga paliparan ang mga ilegal na kontrabando tulad ng droga. Sa isang panayam na umere sa Bilyonaryo News Channel, ibinahagi ni Atty. Joseph Frederick Calulut na tumatayong tagapagsalita ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang bagong diskarte ng mga sindikato sa likod ng drug smuggling. Aniya, nagtatakda ang mga sindikato ng isang lugar sa karagatan kung saan umano tinatapon ang kontrabando para “bingwitin” ng mga ka-transaksyon sa PIlipinas. Pag-amin ni Calulut, malaking hamon sa PDEA ang pagbabantay sa karagatan para mapigilan ang drug smuggling dahil na rin sa lawak ng mga baybayin. “The vulnerable areas are our oceans. If we can remember, a few months ago, there were areas that flooded our oceans, particularly the western part of the country. They take advantage of the vast coastlines of our country,” ani Calulut. Gayunpaman, inamin ng PDEA official na malaking tulong sa kampanya ng pamahalaan laban sa kalakalan ng droga ang Philippine Coast Guard, Philippine Navy, gayundin ang maritime group ng Philippine National Police at Marina. Facebook Twitter/X LinkedIn Post navigation Leni Robredo hindi tatakbo sa 2028 presidential derby