Sa kabila ng mga ebidensyang patunay sa pamemeke ng mga dokumento para makakuha ng Filipino citizenship, nagpasya ang Korte Suprema palayain ang bilyonaryong negosyanteng si Joseph Cue Sy. Sa desisyon ng Supreme Court First Division, partikular na inutusan ang Bureau of Immigration (BI) na agad ilabas na piitan si Sy matapos ilabas ang patunay na binayaran ang P900,000 cash bond. Batay sa resolusyon na may petsang Oktubre 7, pinagbigyan ng Korte Suprema ang petisyon ni Dante Bravo para sa writ of preliminary mandatory injunction laban sa mga opisyal ng BI na pinamumunuan ni Commissioner Joel Anthony Viado. Inatasan din ng korte ang mga kawanihan magsumite ng written compliance sa loob ng 24 oras. Agosto 2025 nang dakpin si Sy na sinasabing may-ari ng Global Ferronickel Holdings Inc., isa sa mga pangunahing kumpanya ng pagmimina ng nikel sa Pilipinas. Dinakip ang naturang negosyante matapos ibunyag ni Senador Risa Hontiveros ang pagpapanggap ni Sy bilang Pilipino, gamit ang mga pekeng dokumento. Ang tunay na pangalan si Sy ay Chen Zhong Zhen. Facebook Twitter/X LinkedIn Post navigation Tagong yaman ni Sara, 67% na mas malaki kaysa SALN P319-M padala ng China sa Cale88, sisilipin ng Kamara