SA kabila ng mga kinakaharap na kaso, nananatiling malakas ang dating ni Vice President Sara Duterte, batay sa resulta ng pinakabagong Pulse Asia survey. 

Sa isinagawang survey noong Setyembre 17 hanggang 24, bahagyang tumaas ang bilang ng mga Pinoy na sumusuporta sa pangalawang pangulo.

Base sa datos ng Pulse Asia, 50 percent (mula sa 49 percent na naitala noong Hulyo) ng mga respondents ang nagpahiwatig ng suporta kay Duterte sa nalalapit na 2028 presidential elections.

Pumangalawa naman si Naga City Mayor Leni Robredo na nakasungkit ng 26 percent, habang pumangatlo naman si Senador Raffy Tulfo na nakakuha ng 12 percent.

Samantala, nakakuha naman si Sen. Risa Hontiveros ng 3% sa survey. Kabilang din sa mga personalidad na nabanggit sina Defense Secretary Gilberto Teodoro Jr. at Public Works Secretary Vince Dizon.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *