LABING-SIYAM na buwan bago ang takdang araw ng halalan, lumutang na ang mga matunog na pangalan na mga posibleng mapabilang sa Magic 12 ng senado. Base sa resulta ng pinakahuling political survey ng Pulse Asia, nanguna si dating Senador Grace Poe sa talaan ng mga senatorial aspirants na kursunadang iboto ng mga Pilipino sa nalalapit na 2028 national elections. Sa survey na isinagawa mula Setyembre 17 hanggang 24, nasa 15 politiko ang napusuan ng mga respondents sa pangunguna ni Poe na nakakuha ng 50.2 percent. Pumangalawa naman si Senador Alan Peter Cayetano na may 46.5 percent, kasunod si Sen. Robin Padilla na may 45.9 percent. Nasa ikaapat na pwesto si Sen. Raffy Tulfo na nakasungkit ng 44.4 percent habang panglima naman si Davao City Mayor Baste Duterte. Pasok din sa talaan si former Sen. Manny Pacquiao na may 36.5 percent at Sen. Loren Legarda sa gradong 33 percent. Kabilang sa 15 minarkahan sina Makati City Mayor Nancy Binay, Sen. Francis Escudero, Education Secretary Sonny Angara, media personality Ben Tulfo, Tourism Infrastructure and Enterprise Zone Authority (Tieza) head Mark Lapid, Sen. Jinggoy Estrada, showbiz celebrity Willie Revillame at dating AnaKalusugan Partylist Rep. Mike Defensor. Facebook Twitter/X LinkedIn Post navigation Panukalang 2027 national budget, lusot na sa Kamara 446 batas, 32 LEDAC bills pinagtibay ng Kamara