GANAP nang pinagtibay ng Kamara de Representantes ang panukalang P7.2-trillion national budget para sa susunod na taon. Sa isang kalatas, inilarawan ni House Speaker Faustino Dy III ang “final version” bilang “transparent legislation” na may kalakip na mekanismong naglalayong tiyakin gagamitin sa wastong paraan ang bawat sentimo ng pondong mula sa dugo at pawis ng mga ordinaryong Pilipino. Ayon kay Speaker Dy, dapat ibalik ng gobyerno sa mga tao ang pondo sa anyo ng mas pinahusay na programa at serbisyo. Sa kanyang talumpati sa plenaryo, sinabi ni Dy na matagumpay na ginampanan ng Kongreso ang pangako sa matapos tanggapin ang kopya 2027 National Expenditure Program (NEP) noong nakaraang buwan ng Agosto. “When the National Expenditure Program was turned over to the House last August, we made a commitment to the Filipino people: that every centavo earned through their hard work and paid in taxes must be spent wisely, honestly, and on programs that will make a real difference in their lives,” pahayag ng lider ng Kamara. “Sinabi natin noon na bawat sentimong pinaghirapan ng ating mga kababayan ay dapat magamit ng tama. Dapat bumalik ito sa kanila sa pamamagitan ng mas maayos na edukasyon, serbisyong pangkalusugan, tulong sa mga nangangailangan, at mga programang tunay na makapag papagaan sa kanilang buhay.” Ayon sa former Isabela governor, ang pangangailangan ng publiko ang siyang naging batayan ng masusing pagbusisi sa proposed national budget at ito ay nagresulta sa pagbibigay ng karagdagang pondo para sa sektor ng edukasyon, healthcare, transportasyon at ang paghahanda sa El Niño. “Ito po ang naging gabay natin sa bawat hakbang ng pagbuo ng 2027 national budget. Tiniyak natin na ito ay may transparency at itinuloy din natin ang mga repormang sinimulan natin nung nakaraang taon, katulad ng BARSc,” saad pa niya. Kabilang sa House amendment ay paglalaan ng karagdagang ₱10.06 billion para sa education programs na sumusuporta sa school safety, inclusive learning, academic recovery at access sa quality tertiary education,gayundin ang dagdag na alokasyon sa medical assistance at agricultural support. Para sa transportasyon, binanggit ni Dy ang additional ₱500 million para sa Service Contracting Program at ₱1 billion para sa fuel subsidies kung saan magiging benepisyaryo nito ang public utility vehicle drivers at operators, tricycle drivers, delivery riders at iba pang transport service providers. Ngayong tapos na ang House’s budget deliberations, hinimok ng House Speaker ang publiko na tumulong sa pag-monitor ng implementasyon ng mga programang pinondohan sa ilalim ng naturang panukala. “Ngayon na tapos na po ang pagtalakay ng budget, samahan ninyo po kaming bantayan ang implementasyon ng mga ito. Gaya po ng sinabi natin sa NEP turnover, ang budget ay pera ng taumbayan. May karapatan silang malaman kung saan ito mapupunta, bakit ito kailangan, at ano ang maaasahang resulta.” Facebook Twitter/X LinkedIn Post navigation College education abot-kamay sa mga pobreng estudyante Senatorial Survey: Poe, Baste at Pacman swak sa Magic 12