PARA maibalik sa tuwid na landas, nanawagan ang isang mambabatas na isailalim sa reformation program ang mga kabataang nailigtas mula sa pagka kaanib sa isang bayolenteng gang. “Besides dismantling these groups, we also have to focus on reformation efforts, on teaching the youth to channel their energy towards more positive pursuits,” wika ni House Committee on Public Order and Safety Vice Chairperson at Abra Rep. JB Bernos Ayon kay Bernos, hindi angkop na isugal ng pamahalaan ang kinabukasan ng mga kabataan. “May posibilidad kasi na kung bubuwagin, bubuo lang ulit ng bagong grupo, dahil naghahanap ang kabataan ng koneksyon at kaibigan, kaya mainam na bigyang-lunas din ang aspetong ito,” dugtong ng kongresista. “I laud the PNP and DILG for their commitment to ensuring public safety, especially amid the spate of criminal activity in schools and communities due to child exploitation,” dagdag niya. Nanindigan din si Bernos na obligasyon ng bawat komunidad para punan ang “basic human needs” sa aspeto ng social connection, kasabay ng hirit na dapat tutukan ng mga lokal na pamahalaan kung paano sila magkaroon ng ugnayan sa iba pang samahan para matulungan ang mga kabataang Pilipino. “These gangs exist because they fill a perceived void in the lives of our youth. This is where we can step in to provide the youth with a better option, with groups that foster the need for friendship without causing harm to self and others,” giit ng Abra lawmaker. Una nang nanawagan mambabatas sa hanay ng local government units (LGUs) na magkaloob ng iba’t-ibang paraan para pukawin ang interes ng mga kabataan — tulad ng palakasan, sining at iba pang programang magtutulak sa mga kabataan palayo sa bisyo. Facebook Twitter/X LinkedIn Post navigation Mans Carpio nananatiling stockholder ng Cale88