TARGET ng House prosecution panel isumite sa Senate impeachment court sa Oktubre 23 ang ‘formal offer of evidence” laban kay Vice President Sara Duterte upang mapabilis na rin ang proseso ng paglilitis. Ayon kay House prosecutor at Manila Rep. Joel Chua, pagkatapos ng formal resting of the case noong Okubre 13 ay agad na pinaghandaan ang paghahain ng naturang mga ebidensya. Dagdag ni Chua, mismong ang impeachment court ang nagbigay sa prosekusyon ng petsang Oktubre 23 o sampung araw matapos ang pagbibigay ng salaysay ng huling prosecution witness. Gayunpaman, pipilitin umano ng prosekusyon mas agahan pa ang pagsusumite ng ebidensya. Paliwanag ni Chua, sa formal offer ay tutukuyin ng prosecution ang mga ebidensiya nais nitong tanggapin at ikonsidera ng Senate court at bibigyan naman ang defense team ng sampung araw mula sa pagkakatanggap nito ng kopya para magsumite ng komento at pagtutol. Matatandaan na si forensic accounting expert Atty. Alexander Cabrera ang huling naging testigo ng prosecution at naisalng siya sa witness stand noong Oct. 9 at ang pagbibigay niya ng testimonya ay natapos noong Oct. 12. Sa kanyang salaysay, binusisi umano niya ang naibigay sa kanya na financial records, na kinabibilangan ng bank records, income tax returns, insurance documents, corporate filling at Statement of Assets, Liabilities ang Net Worth (SALN) ng nasasakdal at mister na si Atty, Manases Carpio mula 2022 hanggang 2025. Pag-aanalisa ni Cabrera, aabot sa P817.87 million ang unexplained wealth ng Duterte-Carpio couple at posibleng umabot pa ito sa P1.5 billion kung hindi naging konserbatibo ang ginamit na batayan. Noong Oct. 13, tinanggap ng the impeachment court ang hakbang ng prosekusyon na bawiin ang tatlong articles of impeachment at tagging ang Article II na lamang ang nais nitong matalakay, na nag-aakusa sa bise presidente ng unexplained wealth, misdeclaration ng SALN at pinagbabawal na business interest. Kasalukuyang naka-break ang impeachment court. Inaasahan naman ang pagpapatuloy ng paglilitis sa Nobyembre 9. Facebook Twitter/X LinkedIn Post navigation Panelo, Pinoy version ni Pinocchio? Depensa nabulaga sa diskarte ng tagausig