NANINDIGAN ang Korte Suprema na labag sa 1987 Constitution ang isinabatas na pambansang budget para sa mga taong 2024 at 2025. Sa isang pahayag, isinaalang-alang ng Korte Suprema ang mga probisyong nagbigay-daan sa tinaguriang “unprogrammed funds” sa ilalim ng General Appropriations Act para sa dalawang magkasunod na taon. Partikular na tinukoy ng mga mahistrado ang karagdagang P449.5 bilyong unprogrammed appropriations sa 2024 national budget, gayundin ang karagdagang P17.99 bilyon para sa Special Road Fun na nakapaloob sa 2025 national budget. Hindi rin nakalusot sa Korte Suprema ang “special provisions sa ilalim ng 2026 General Appropriations Act na nagtakda ng mga kondisyon para sa paggamit ng unprogrammed appropriations. Gayunman, nilinaw ng SC na hindi awtomatikong labag sa Konstitusyon ang unprogrammed appropriations. Kailangan lamang anilang magkaroon ng malinaw na limitasyon at “safeguards” upang matiyak ang disiplina sa paggasta, transparency at pananagutan. “They become constitutionally infirm when they lack sufficient standards, effectively granting the Executive unchecked spending authority that weakens fiscal discipline and undermines funding for programmed projects when estimated government revenues are not realized,” ayon sa kataas-taasang hukuman. Binigyang-diin din ng korte na hindi dapat magkaroon ng lump-sums sa unprogrammed appropriations at kailangang may malinaw na pamantayan sa pagbibigay-prayoridad sa paggastos. Samantala, ipinagbawal ng SC ang pagpapatupad sa mga probisyon ng 2026 GAA na idineklarang unconstitutional. Para naman sa 2024 at 2025 budget, inilapat ang operative fact doctrine sa mga programang hindi na maaaring bawiin at ang mga benepisyaryo ay kumilos nang may mabuting hangarin. Facebook Twitter/X LinkedIn Post navigation Solon: Red-tagging sa mga lider-katutubo, tuldukan! Ebidensya sa mga binawing kaso, di pa rin masasayang