HINDI komunismo ang pagtatanggol sa karapatan ng mga katutubo, giit ng isang partylist representative sa taunang pagdiriwang ng Indigenous Peoples Month ngayong Oktubre.

“Stop red-tagging members of indigenous communities,” pahayag ni Solid North Partylist Rep. Ching Bernos, vice chair ng House committee on indigenous cultural communities and indigenous peoples.

Ayon kay Bernos, ang red-tagging ng indigenous leaders ay nagtatakip sa tunay na isyung kinakaharap ng indigenous communities sa iba’t-ibang bahagi ng bansa.

“Red tags are lazy and dismissive. Hindi lang ito banta sa buhay at seguridad ng mga isinasangkot, kundi nagiging paraan na lang para walisin ang mga isyu at ilihis ang atensyon sa tunay na kalagayan ng mga IP at kanilang mga komunidad,” wika ng lady partylist lawmaker.

Sa halip na red-tagging, hinimok ni Bernos ang pamahalaan na isulong ang pagkakaroon ng diyalogo o maayos na pakikipag-usap sa IPs, partikular kung nais lamang nilang magpahayag ng saloobin hinggil sa mga proyektong nakakaapekto sa kanilang komunidad.

Apela ng mambabatas sa gobyerno, respetuhin at lubos na ipatupad ang mga polisiya na nagtataguyod sa kapakanan ng IPs, alinsunod sa Republic Act No. 8371 o ang Indigenous Peoples’ Rights Act of 1997.

“Huwag nating balewalain ang mga probisyon tungkol sa karapatan nila sa kanilang ancestral domain at maging ang pagkakaroon ng representasyon sa pamahalaan,” ani Bernos. 

By ..

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *