PARA maiwasan ang umano’y napipintong pagdanak ng dugo, nanawagan ang Palasyo kay Senador Ronald “Bato” Dela Rosa na sumuko na lang hanggat may pagkakataon pa. Ito ang reaksyon ng Malacañang sa inilabas na pahayag ni Interior Secretary Jonvic Remulla hinggil sa proteksyon na ibinibigay kay Dela Rosa ng isang armadong grupo sa Mindanao. Ayon kay Undersecretary Atty. Claire Castro na tumatayong tagapagsalita ng Palasyo, dapat isaalang-alang ang kaayusan para maiwasan ang karahasan sakaling kumilos ang mga alagad ng batas para arestuhin ang puganteng senador. Pinaalalahanan din ni Castro ang armadong grupong nagkakanlong kay Dela Rosa na mahigpit na ipinagbabawal sa ilalim ng batas ang pagbibigay ng proteksyon sa mga pugante. Target ng warrant of arrest mula sa International Criminal Court si Dela Rosa na tumayong ‘kapural’ sa madugong giyera kontra droga sa ilalim ng nakalipas na administrasyon. Facebook Twitter/X LinkedIn Post navigation Ebidensya sa mga binawing kaso, di pa rin masasayang Pagtanggi ni Sara sa Jollibee franchise, hindi na lulusot