GUMAAN ang trabaho sa tulong ng internet — gayundin ang kabi-kabilang modus ng panloloko. Sa isang kalatas, inamin ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na hindi bababa sa isang milyong insidente ng cyber attack kada araw ang naitatala ng ahensya. Ayon kay CICC executive director Aboy Paraiso, pinakamataas ang bilang ng mga cyber attack na iniuugnay sa Chinese threat actors. “Sa isang araw, mahigit 1 million attempts ang tinatanggap ng Pilipinas. Not only in government but also the private sectors,” wika ni Paraiso sa isang panayam na umere sa Bilyonaryo News Channel. Gayunpaman, nilinaw na Paraiso na bantay sarado ng gobyerno ang anumang tangka ng cyber attack. “Despite our challenges, despite ‘yung numbers ng attack natin bawat araw, very very minimal ang nakaka-penetrate, very very minimal ang nagiging successful,” dugtong ng opisyal. Nang tanungin kung anong hamon ang kinakaharap ng ahensya, binanggit ni Paraiso ang artificial intelligence (AI) na panglima ang Pilipinas sa mga bansang tinatarget ng China-linked cyber operations. Nakitaan ng sigasig ang cyber attacks sa bansa mula pa 2023 — isang taon matapos maupo sa Palasyo si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. Dagdag pa aniya ang artificial intelligence na ginagamit sa pagsasagawa ng malawakang cyberattack. “Kasi nagbago na yung landscape ng mga threat attacks natin. Sa gamit ng AI, nagkakaroon ng mga agentic AI, isang tao lang pwede nang magpasugod ng libo-libo, daang-libong mga attacks sa ating bansa,” dagdag niya. Taong 2024 nang matukoy aniya ng mga awtoridad ang isang IP address na ginamit sa cyber attack na nagmula sa isang government facility sa China — bagay na itinanggi ng pamahalaan ng nasabing bansa. Hirit ni Paraiso, amyendahan ang Cybercrime Prevention Act of 2012 upang higit pang mapalakas ang depensa ng bansa laban sa mga cyberattack. Facebook Twitter/X LinkedIn Post navigation Diskwento sa requirements ng aplikante, target ni Villar Trump walang kinalaman sa pinabilis na paglilitis