APAT sa kada 10 Pilipino ang kumbinsidong “guilty” ang magiging hatol ng Senate impeachment court kay Vice President Sara Duterte.

Batay sa resulta ng isinagawang survey ng Publicus Asia, 44 percent ng botanteng Pinoy ang naniniwalang malalaglag sa pwesto ang pangalawang pangulo sa bisa ng guilty verdict ng senado.

Lubos naman ikinalugod ng prosekusyon ang pagpapahalaga ng publiko sa paglilitis ng Senate impeachment court sa pangalawang pangulo.

Ayon kay lead prosecutor at Batangas Rep. Gerville Luistro, malaking bentahe sa panig ng tagausig ang sentimyento ng publiko sa mga ipinrisintang ebidensya at testimonya sa paglilitis ng korte kay Duterte.

Batay sa resulta ng survey na isinagawa mula Oktubre 1 hanggang 4, pumalo sa 44 percent ang umaasang “tatamaan” si Duterte, habang nasa 31 percent naman ang naniniwalang maa-abswelto ang bise-presidente.

Nasa 25 percent naman ang pasok sa kategorya ng “undecided.”

Isinagawa ang survey bago pa man isinalang ng prosekusyon bilang expert witness si financial forensic analyst Atty. Alex Cabrera, na nagbigay ng pinaka matibay na ebidensya sa usapin ng “unexplained wealth” ni Duterte at mister na si Atty. Manases Carpio. 

Isinalang ng prosekusyon si Cabrera sa witness stand mula Oktubre 9 hanggang Oktubre 12.

Sa testimonya ni Cabrera, walang gatol na idineklara ng financial forensic expert na aabot sa ₱817.87 million, at maaari pang pumalo sa ₱1.5 billion ang unexplained wealth ng Duterte-Carpio couple mula sa nabusisi niyang financial records ng dalawa mula taong 2022 hanggang 2025.

Samantala, naniniwala naman si Bicol Saro partylist Rep. Terry Ridon na higit na angkop salagin ng mga defense panel ng naiprisintang financial evidences at magharap din ng matibay na ebidensya para pagtibayin ang ilalatag na argumento.

“Kailangan talaga nilang ipaliwanag ang bawat detalye,” sambit pa ni Ridon.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *