SA halip na humarap at direktang sagutin ang kinakaharap na kaso sa Senate impeachment court, kapansin-pansin ang paggamit ni Vice President Sara Duterte ang iba’t-ibang public platforms para salagin ang alegasyon.

Sa isang kalatas, partikular na tinukoy ni private prosecutor Lorna Kapunan ang pagpapatawag ng press conference, kasabay ng pagtuligsa sa pag-iisyu ng media statement para kwestyunin ang legalidad ng impeachment proceedings.

“She doesn’t speak before the court. She uses other platforms,” wika ni Kapunan.

“She calls a—right after the very strong testimony for expert witness, what does she do? She has a press conference,” dugtong ng beneteranong abogada.

Ayon kay Kapunan, hindi katanggap-tanggap ang pagsasalita sa publiko ni Duterte para lamang maliitin ang naging testimonya ni forensic accounting expert Atty. Alexander Cabrera.

Sa testimonya ni Cabrera, inihayag ang pagbasa sa financial records at iba pang business documents na iniuugnay sa kay Duterte at asawang si Atty. Mans Carpio.

Base sa “analysis” ng forensic accounting expert, hindi bababa sa P817 milyon ang unexplained assets ng mag-asawa mula 2022 hanggang 2025.

Ani Kapunan, ang nasabing forensic analysis ni Cabrera ay batay sa official bank records, income tax returns, corporate filings at iba pang financial documents. 

Sagot naman aniya ni Duterte sa “financial forensics report,” press conference para magbigay ng public statement nang wala maski isang dokumento na magpapatotoo sa pahayag ng pangalawang pangulo.

Kinastigo rin ni Kapunan ang diversionary tactics ng panig ng nasasakdal sa impeachment trial kabilang na pagtutol sa ilang proseso, habang nakita rin ang kabiguan ng  defense panel direktang sagutin ang nalantad ng mga financial evidence.

Paniwala ni Kapunan, walang kontra ebidensya ang panig ni Duterte para salagin ang matibay na mga pruweba at testimonyang naiprisinta ng prosekusyon.

“’Yun naman ang ginagawa nila talaga, eh. They either attack the integrity of the judges instead of just defending themselves, no?,” puna pa ni Kapunan. 

Samantala, nagbabala rin si Kapunan na susugan ng ilang senator-judges na kapanalig ni Duterte, ang pagtutol ng defense team sa pag-atras sa tatlong impeachment articles.

“Sometimes, predictably, it is caught on by their friends, their friendly senator-judges, who echo their sentiment. And this is why we saw— we’re seeing now— a petition filed by Robin Padilla, senator-judge, and Senator-Judge Bong Go,” ayon kay Kapunan.

Nauna rito, mismong si Atty. Paolo Panelo, na tagapagsalita ni Duterte, ang nagpahayag na nakita nila sa impeachment rules na tanging ang senator-judges ang maaaring humirit ng reconsideration sa Senate impeachment court’s ruling na pag-ayon sa pagbawi ng impeachment articles.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *