PARA sa mga miyembro ng mababang kapulungan, hindi dapat palampasin ang pagiging arrogante ni Chinese Ambassador Jing Quan. Sa inihaing House Resolution 1562, iminungkahi ng mga kongresista sa Palasyo na makipag-ugnayan sa Beijing para hilingin ang pagpapauwi kay Ambassador Jing sa pinagmulang bansa. Nakapaloob din sa naturang resolusyon ang kahilingan kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na ideklarang “persona non grata” ang Chinese ambassador Kabilang sa mga lumagda sa naturang resolusyon sina Assistant Majority Leader at Lanao del Sur 1st District Zia Adiong Adiong; House Committee on Dangerous Drugs Chairman at Las Piñas Rep. Mark Santos; House Committee on Basic Education and Culture Vice Chairperson at Zamboanga del Norte 3rd District Rep. Adrian Michael Amatong; House Committee on Youth and Sports Development Vice Chairman at Pinoy Workers Representative Karl Legazpi. Nakiisa rin sa panawagan ang minority bloc na pinangungunahan ni Senior Deputy Minority Leader at Mamamayang Liberal (ML) partylist Rep. Leila de Lima, Deputy Minority Leaders Chel Diokno (Akbayan partylist); Perci Cendaña (Akbayan partylist); Kaka Bag-ao (Dinagat Islands); Krisel Lagman (Albay 1st District) at House Committee on Public Order and Safety Member for Minority, Akbayan partylist Rep. Dadah Kiram Ismula. “Under the Constitution, the President, being vested with foreign power, holds primary authority to conduct foreign relations and to represent the nation in its dealings with other states, and must therefore take decisive action in response to statements and conduct that undermine national sovereignty and threaten the country’s security,” saad sa isang bahagi ng HR 1562. Partikular na tinukoy ng mga kongresista ang ilang pangyayari na naging dahilan para balangkasing ang nabanggit na panawagan sa Punong Ehekutibo kabilang na ang October 15 statement ni Jing kung saan sinabi ng huli “if China wants to use force, we may easily win.” Maging si Marcos at iba pang matataas na opisyal ng Philippine government ay nadismaya sa anila’y malinaw na pagbabanta ng Chinese ambassador. Hindi rin anila dapat palampasin ang inilabas na statement ang Chinese Embassy na hayagang nagbabala na hindi makakatungtong sa China ang mga mambabatas na lumagda sa resolusyong nagsusulong ideklara si Jing bilang “persona non grata.” “The embassy’s undiplomatic language taunting our government to declare the Chinese ambassador as persona non grata does little to encourage serious dialogue between two sovereign nations. Instead, it reflects their position that our country should simply accept China’s threats and submit to its demands,” pinag-isang pahayag ng mga kongresista. “The Philippines must not be cowed into silence in the face of such arrogance.” Facebook Twitter/X LinkedIn Post navigation Kopya ng winasak na resibo sa maleta delivery inilutang ng alalay Halaga ng piso balabag sa bagong all-time record-low