HINDI inakala ni dating Department of Public Works and Highways (DPWH) Bulacan 1st District Engr. Henry Alcantara na lalabas pang kopya matapos umano wasakin ang mga ebidensyang patunay ng “maleta deliveries” kay former Ako Bicol Rep. Zaldy Co. Sa ika-anim na araw ng bail hearing ni former Speaker Martin Romualdez, ipinrisinta ng isang Wirt Walter Rosales na nagpakilalang personal assistant ni Alcantara ang mga acknowledgment receipt na kalakip ng bawat cash delivery. Ayon kay Rosales, inutusan umano siya ng kanyang amo na si Alcantara sirain ang mga acknowledgment receipts ng cash delivery kay Co, at gayundin kay Romualdez. “Pinapakita ko po kay Henry Alcantara na okay na po ang acknowledgment receipt. Inuutos niya po sa akin na itapon na po,” wika ni Rosales sa anti-graft court. Sa pagtataya ng testigo, nasa P1 bilyon ang kabuuang halaga ng naihatid na cash sa walong beses na pagpunta niya sa bahay ni Zaldy Co sa Valle Verde at tatlong beses sa condominium sa Taguig City. Pag-amin ni Rosales, 2023 nang mag-umpisang gumamit ng maleta sa delivery dahil sa dami ng perang hindi na umano magkasya sa durabox. Pawang nahaharap sa kasong plunder sina Romualdeza, Co at Alcantara kaugnay ng tinaguriang flood control scandal. Facebook Twitter/X LinkedIn Post navigation P3.5-B shabu shipment: Bata ni Digong inginusong mastermind Marcos inurot, persona non grata sa Chinese envoy iginiit