WALANG indikasyon ng pagbaba sa presyo ng mga pangunahing bilihin sa merkado, ayon sa Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP).

Sa isang pahayag, inamin ng BSP ang nakaambang pagtaas ng presyo ng produkto at serbisyo, kabilang ang kuryente, tubig produktong petrolyo at iba pa, bunsod ng pagsipa ng inflation rate sa bansa.

Batay sa pagtataya ng BSP, posibleng umabot sa 8.1 percent ang inflation rate sa pagtatapos ng buwan ng Oktubre.

Buwan ng Setyembre ng kasalukuyang taon, umakyat sa 7.2 porsyento ang inflation na nagtulak naman sa pagsirit sa presyo ng pagkain, gayundin ang pamasahe sa mga pampublikong sasakyan.

Ang inflation ay ang bilis ng pagtaas ng presyo ng mga bilihin at serbisyo. Kapag mataas ang inflation, mabilis na tumataas ang presyo ng mga pangangailangan ng mga mamamayan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *