MATAPOS makaladkad sa kontrobersyal na budget insertions, inginuso ni Antipolo Rep. Ronnie Puno ang pamunuan ng House Committee on Appropriations na anoya’y dapat magpaliwanag sa isiningit na badyet sa nasasakupang distrito. Ayon kay Puno, walang katotohanan ang paratang ng People’s Budget Coalition sa umano’y budget insertions sa distrito ng mambabatas sa Antipolo. Anang kongresista, hindi siya dumadalo sa mga budget hearings lalo pa’y hindi naman umano siya miyembro ng House Appropriations Committee na pinamumunuan ni Nueva Ecija Rep. Mika Suansing “Wala akong pinasok. Hindi ako nag-attend ng hearings and hindi ako member ng bicam. Hindi rin ako member ng BARSC. Si Mika ang tanungin nila,” ani Puno. Una nang binatikos ngi People’s Budget Coalition si Puno dahil sa umano’y pagbabalewala sa mga civil society group na sumusuri sa budget. Ayon sa koalisyon, may humigit-kumulang P1.74 bilyon na panukalang proyekto ang Rizal 1st District Engineering Office na may sakop sa distrito ni Puno gayundin sa nasasakupan nina Antipolo 2nd District Rep. Philip Acop at Rizal 1st District Rep. Rebecca Ynares. Facebook Twitter/X LinkedIn Post navigation Supplier ng souvenirs para sa ASEAN, sinuba ng gobyerno? BSP: Inflation rate sa Pinas posibleng pumalo sa 8.1%