SA pagnanais tiyakin lehitimong kasapi ng “marginalized sector” ang uupong kongresista sa Kamara, nakatakdang kalusin ng Commission on Elections (Comelec) ang “nominee substitution” sa sandaling makalusot sa halalan ang isang partylist group. Ayon kay Comelec chairman George Garcia, hihigpitan na rin ng poll body ang patakaran sa partylist nomination. Kabilang sa sinisilip na diskarte ni Garcia ang panuntunan ng 10 pangalan bilang partylist nominee. “Sinabi namin, kapagka isa sa mga 10 nominees na ‘yan ay umalis dahil may sakit kuno o ayaw na o may personal reason, hindi namin papayagan ang substitution,” diin ni Garcia. Dati aniya, ilang partylist group ang nagpapatakbo ng mga lehitimong sectoral representatives sa eleksyon pero kapag nanalo na ay papalitan ng taong naman bahagi ng sektor na kinakatawan. “Ang mangyayari, kung ‘yung number four, ‘yun ang magiging number one, ‘yung number five, ‘yun ang magiging number two, and so on and so forth.” Facebook Twitter/X LinkedIn Post navigation Abogado ni Sara, walang ipiprisintang ebidensya? Budget transparency, public scrutiny tinukuran ni Bogie