TULUYAN na nga bang gumuho ang pangako ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. nang nanunuyo sa mga botanteng Pilipino? Batay sa datos ng Philippine Statistics Authority (PSA) para sa buwan ng Setyembre, mas dumami pa ang bilang ng mga Pinoy na walang trabaho. Sa pinakahuling bilang ng PSA, pumalo na sa 5.4 percent (katumbas ng 2.86 milyon) ang unemployment rate sa bansa – mas mataas kumpara sa 5.3 percent na naitala noong Agosto. Lumalabas din na mas mataas pa ang 5.4 percent unemployment rate kumpara sa 3.8 percent na naitala naman sa parehong buwan ng nakalipas na taon. Paglilinaw ng PSA, dumami ang bilang ng mga Pinoy na may trabaho na umabot na sa 50.32 milyon mula sa 49.79 milyon na naitala noong Agosto. Gayunpaman, mas mabilis ang paglaki ng labor force, na umakyat sa 53.19 milyon, na hindi nasabayan ng pagdami ng mga trabaho, dahilan para bumaba ang employment rate sa 94.6 percent mula sa 96.2 percent noong nakaraang taon. Bumaba naman ang underemployment sa 11.0 percent mula sa 11.9 percent noong Agosto. Humigit-kumulang 5.56 milyong may trabaho ang nagsabing gusto nila ng dagdag na oras sa trabaho o ng ibang trabaho. Pinakamarami ang nadagdag na trabaho mula sa sektor ng accommodation at food services. Pinakamalaki namang nawala sa construction. Pinakamabigat ang dagok na natamo ng sektor ng construction bunsod ng sumambulat na flood control scandal. Facebook Twitter/X LinkedIn Post navigation Budget transparency, public scrutiny tinukuran ni Bogie Tulfo nakuryente, ‘sorry’ tinanggap ni Romualdez