USAP-USAPAN sa Quezon City ang posibleng tambalan ng dalawang bigating personalidad na umano’y puspusan ang paghahanda sa nalalapit na 2028 national and local elections. Ayon sa ilang residente ng nasabing lungsod, kapuna-puna umano ang kumakalat sa social media ng mga larawan nina comedian-host Willie Revillame at broadkaster na si Ben Tulfo. Makikita sa larawan ang dalawa na magkatabi, kalakip ang mga slogan na “Puso at Pag-unawa” para kay Revillame at “Tapang Para Ipaglaban” naman kay Tulfo. Kapwa lumahok bilang independent senatorial candidates sina Revillame at Tulfo noong nakaraang 2025 midterm election. Gayunpaman, parehong natalo ang komedyante at brodkaster. Nagtapos si Tulfo sa ika-13 puwesto matapos makakuha ng 12,090,090 boto, habang pumuwesto naman si Revillame sa ika-22 na may 8,568,924 boto. Facebook Twitter/X LinkedIn Post navigation Tatay walang pampalibing, anak na sanggol itinapon