SA gitna ng pananahimik, tila walang katapusan ang pag singaw ng mga bulilyasong kinasasangkutan ni Vice President Sara Duterte. Sa isang pahayag, partikular na tinukoy ni House trial spokesperson at Lanao del Sur Rep. Zia Alonto Adiong ang deklarasyon ni Duterte sa isinumiteng Statement of Assets, Liabilities and Net Worth (SALN) sa “379-square meter residential land” na binili ng bise presidente. Ayon kay Adiong, taliwas ang deklarasyon ni Duterte sa biniling “agricultural land” sa Barangay Matina Crossing sa Davao City. Katunayan aniya, malayo sa pagiging “residential land” ang tumambad na itsura ng nasabing lupa. “Ang use niya talagang to serve customers, bistro eh… maliwanag na hindi yan residential, kundi usang commercial land,” wika ni Adiong. Ani Alonto Adiong, kung ipipilit ng depensa na iisa ang ipinakita ni Davao City Assessors Engr. Jaime Adalin at ang nasa 2024 SALN ni Duterte, mas lalong nagkaroon ng maraming tanong na dapat ipaliwanag. “Assuming it’s the same property, misdeclaration tuloy sa SALN and therefore it is not well explained” — nangangahulugan pa rin mali mang idikelera ng pangalawang pangulo sa 2024 SALN. Hinamon naman ni House prosecutor Joel Chua si Duterte na ipaliwanag ang litrato na iprinisinta ng mga abogadong nagpapakitang isang restaurant at hindi residential establishment ang nakatayo sa nasabing lote.. “So, nagtataka tayo sa City Assessor bakit hindi niya agad masabi na itong pinakita kanina ay commercial?” sabi pa ni Chua. “Pinakita ang mismo property, nakalagay doon Prime Bistro. Yan ba naman masasabi mo residential? Kitang-kita na ang use na yan kainan. Hindi naman yan residential. So obviously commercial yan,” dugtong niya. Nais din ni Chua na ipaliwanag ng kampo ng bise presidente ang P6 million selling price ng lote na nakalagay sa property-transfer document gayung sa SALN na impeachment respondent ay P10-million ang sinasabing acquisition cost ng lote. “Doon sa pinipresenta nila (defense) kanina, maliwanag ang acquisition cost ay P6-M. Pero sa SALN ng ating VP, ang nilagay niyang acquisition cost is P10-M. So may difference na P4-M.” Facebook Twitter/X LinkedIn Post navigation Rental subsidy, isinusulong ni Romualdez sa Kamara