SA halip na patulan ang “walang kabuluhang” patutsada kapatid ng nasasakdal na bise-presidente, hinikayat ni Manila Rep. Benny Abante si Davao City Rep, Paolo Duterte tulungan ang nakababatang kapatid na sagutin ang kinakaharap na paratang sa harap ng hukuman. “Congressman Pulong, stop changing the subject. Ang pinag-uusapan dito ay ang mga alegasyon na nasa impeachment court laban sa iyong kapatid, at iyan ang mga tanong na dapat masagot,”bwelta ni Abante na tumatayong chairman ng House Committee on Human Rights at isa sa mga masigasig na nagsulong ng impeachment complaint laban kay Vice President Sara Duterte. Partikular na tinukoy ni Abante ang Facebook post ni Rep. Duterte kung saan kinuwestyon ang pagkakaroon umano ng bulletproof Lincoln Navigator, at mga mamahaling relo ng kinatawan ng Maynila sa Kamara. “He should be prepared to present facts and evidence, because making accusations on Facebook is very different from proving them,” giit ni Abante. Ayon sa Manila solon, malinaw na ang banat ng Davao congressman ay naglalayon lang ilihis ang atensyon ng publiko sa tunay at seryosong usapin ng impeachment charge na kinakaharap ng bise presidente. “Simple lang naman ang tanong ng taong-bayan: Saan nanggaling ang mga perang pinag-uusapan sa impeachment trial, at paano ito maipapaliwanag sa mga dokumentong iniharap sa Senado? Those questions deserve serious answers, and no amount of personal attacks against other congressmen will make them disappear,” ani Abante. Isinatabi rin ni Abante ang pananaw na ang pagkwestyon sa financial affairs ni VP Duterte ay tila pagpapatupad ng hiwalay na pamantayan sa iba pang miyembro g Duterte family, kung saan binigyan-diin niya ang sinumang public official ay dapat maging handa na sagutin ang mga legitimong katanungan hinggil sa tinamasang yaman at sources income. “Pare-pareho tayong public officials, Congressman Pulong, at pare-pareho tayong may responsibilidad na umayon sa batas. If there are legitimate questions about my assets, let them be examined fairly and according to law, and I expect the same standard to apply to your sister,” punto pa ng congressman-impeachment endorser. “Congressman Pulong, kung relo ang gusto mong pag-usapan, tingnan mo rin ang oras. Panahon na para sagutin ang mga tanong tungkol sa impeachment, because the Filipino people deserve the truth, and the truth must prevail over political distractions,” Facebook Twitter/X LinkedIn Post navigation ASEAN cooperation hirit sa digital trade at governance