HINDI pa man nagtatagal nang matapos ang 90-araw na ‘bakasyon,’ namumuro patawan ng panibagong suspensyon si Senador Jinggoy Estrada kasunod ng pagbasura ng Sandiganbayan sa hirit na baliktarin ang kautusan na may kaugnayan sa flood control scandal.

Sa resolusyon na akda ni Associate Justice Zaldy Trespeses, ipinaliwanag ng anti-graft court na hiwalay ang 90-araw na suspensyon na inilabas ng Fifth Division noong Oktubre 2026 sa naunang 90-araw na ‘bakasyon’ na ipinataw ng Second Division noong Hunyo.

Para kay Estrada kalabisan ang panibagong suspensyon lalo pa aniya’t lubhang apektado ang kanyang mandato bilang senador. Giit ng mambabatas, binuno na niya ang 90-day preventive suspension.

Sakali aniyang ipatupad pa ang bagong kautusan, aabot sa 180 araw na hindi niya magagampanan ang kanyang tungkulin bilang senador.

Aniya, tila parusa na ang iginagawad ng anti-graft court sa kanya,

Paliwanag naman ng Fifth Division, iba kasong nakabinbin sa Fifth Division at ang usapin sa Second Division.

Kasalukuyang nakapiit si Estrada sa New Quezon City Jailpara sa kasong plunder at graft na isinampa ng Office of the Ombudsman.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *