MATAPOS ang halos limang dekada sa hudikatura, ganap nang nagretiro si Supreme Court (SC) Associate Justice Amy Lazaro-Javier β nana hudyat naman ng panunungkulan ni dating Commission on Audit chairman Gamaliel Cordoba bilang katuwang na mahistrado ng Korte Suprema. Sa huling araw sa kanyang tanggapan, iginawad ng mga kapwa mahistrado kay Lazaro-Javier ang pinakamataas na pagkilala β anang Judicial Medal of Distinction para sa mahabang panahon ng paglilingkod sa sangay ng hudikatura. Ayon sa Korte Suprema, walang bahid ang rekord ni Lazaro-Javier na anila’y nagpamalas ng kahusayan sa tungkulin. Higit na katangi-tangi rin anila ang zero-backlog docket o walang naiwang nakabinbing kaso sa buong panahon ng kanyang pagiging mahistrado, kapwa sa Court of Appeals (CA) at Supreme Court. Marso 2019 nang hirangin si Lazaro0Javier bilang Supreme Court Associate Justice ni dating Pangulo Rodrigo Duterte. Bago naging nakapasok sa Korte Suprema, mahigit 11 taon nanilbihan si Lazaro-Javier sa Court of Appeals bilang mahistrado β bukod pa sa dalawang dekada sa Office of the Solicitor General. Dati rin nagturo sa si Lazaro-Javier sa pribado at pampublikong paaralan.pagkilala sa kanyang mga naiambag sa hudikatura at sa halos 49 taon niyang paglilingkod sa bayan. Facebook Twitter/X LinkedIn Post navigation Dy sa ASEAN leaders: Pangakong kaunlaran tuparin Prosekusyon gigil i-cross examine si Duterte