TULAD ng inaasahan, ganap nang dumating sa Pilipinas si United States President Donald Trump para dumalo sa 49th Association of South East Asian Nations ( ASEAN) Summit sa Maynila. Ayon sa pangasiwaan ng Ninoy Aquino International Airport, lumapag ang sinakyang Air Force One ni Trump sa Balagbag Ramp Area ng NAIA dakong alas 5:33 ng hapon. Bukod kay Trump, kasama rin dumating sa bansa sina US Secretary of State Marco Rubio at Treasury Secretary Scott Bessent. Kapuna-puna naman na hindi bahagi si Pangulong Ferdinand Marcos Jr sa mga sumalubong sa delegasyon mula sa Estados Unidos. Gayunpaman, dumating si Executive Secretary Ralph Recto bilang kinatawan ni Marcos. Kabilang rin sa mga sumalubong kay Trump sina House Majority Leader Sandro Marcos, US Ambassador to the Philippines Lee Lipton at Philippine Ambassador to the US Jose Manuel Romualdez. Pagkatapos ng pagdalo sa pagtitipon ng mga lider ng iba’t-ibang bansa sa Asya, inaasahan ang paglipad ni Trump sa Shenzhen, China para sa APEC Leaders’ Summit. Facebook Twitter/X LinkedIn Post navigation Villar: Economic reform para umusad ang Pinas