TINIYAK ni Senador Panfilo Lacson na dadaan sa butas ng karayom ang nasa halos 4,000 multi-purpose buildings na itinutulak ng Department of Public Works and Highways (DPWH) sa ilalim ng panukalang 2027 national budget.

Partikular na target ni Lacson alamin ang eksaktong lugar na pagtatayuan ng mga nasabing gusali.

Para sa senador, hindi makatwiran paglaanan ng pondo ang 3,950 multi-purpose buildings lalo pa’t malinaw na nakatala sa talaan ang pagtatayo ng 79,000 kahalintulad na gusali. Ang halaga — tumataginting na P770.9 bilyon sa nakalipas na isa’t kalahating dekada.

Giit ng mambabatas, dapat isaalang-alang ng pamahalaan ang bagsak na ekonomiya ng bansa, bukod pa sa paghina ng piso at pagsipa sa presyo ng mga pangunahing bilihin sa merkado.

Sa ilalim ng proposed 2027 national budget, lumalabas na P54 bilyon ang inilaan ng administrasyong Marcos para sa 3,950 istruktura para sa barangay.

Palaisipan rin aniya kung saan itatayo ang mga nasabing multi-purpose buildings lalo pa’t problema sa Metro Manila at iba pang “urban areas” ang espasyo.

“Saan itatambak yan, wala tayong real estate lalo sa Metro Manila and urban cities… it doesn’t make sense anymore.”

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *