KAHIT saang sulok ng Pilipinas, basta kaya ng katawan ko pupuntahan ko kayo para maghatid ng tulong sa kapwa ko Pilipino.
Ito ang palagiang namumutawi sa bibig ni senador Bong Go kapag dumadalaw ito sa mga tinatamaan ng kahit anong uri ng kalamidad sa bansa.
Ngayong araw, personal na dinalaw ni Senador Bong Go ang ilang evacuees na naapektuhan ng pag-aalburuto ng Bulkang Mayon sa Albay.
Unang binisita at inabutan ng tulong ng Senador ang barangay San Antonio sa lungsod ng Tabaco, Albay.
Sinilip din ng mambabatas ang ginagawang Super Health Center sa Barangay San Vicente para tiyakin maging kapakipakinabang sa nasabing lungsod.
Pagkatapos nito, dumeretso si Go sa Bayan ng Malilipot kung saan personal na dinalhan ng tulong ang nga apektado ng pag-aalburuto ng bulkang Mayon.
Kabilang sa personal na tulong ni Go sa mga benepisyaro ay grocery items, facemask, vitamins, burger, tshirt, at mga bola.
Tulad ng dati, nagpa-raffle ang senador ng bisekleta, relo, cellphone at sapatos sa mga dumalong benepisyaryo.
Matatandaan si Go simula nang mahalal bilang senador ng bansa ay walang tigil sa pagbibigay tulong sa mga nasasalanta ng kalamidad sa buong bansa.
