Ni Ernie Reyes
MATINDING kinalampag ni Senador Grace Poe ang gobyerno at lahat ng telecommunication companies na paiigtingin at pabilisin ang rehistrasyon ng Subscribers Identity Module (SIM) na magtatapos sa Huyo 25, 2023 na walang ekstensiyon.
Sa pahayag, sinabi ni Poe, chairman ng Senate committee on public services na dapat “all out” na ang gobyerno partikular ang Department of Information and Communication Technology (DICT) at telcos sa pagpaparehistro ng SIM users.
“Mahalaga ang rehistrasyon ng SIM dahil malaki ang maitutulong nito upang maiiwas ang publiko sa panganib ng panloloko at pagsasamantala na patuloy na dumadami,” aniya.
Ayon kay Poe, habang kinakamit natin ang adhikain sa digitalization tulad ng pagbabayad at iba pang transaksiyon.
“Mahalaga din ito sa komunikasyon mula sa lehitimong pinaggalingan kaysa sa di-rehistradong SIM,” aniya.
Aniya, hindi dapat natutulog sa pansita ang kinauukulang ahensiya laban sa mga scammers at nanloloko kahit mahigit 100 milyong SIM user na ang nakapagpalista.
“Dapat tugunan ang mga hamon na bumabalot sa rehistrasyon, partikulang nag mga SIM user sa malalayong komunidad, matatanda at PWDs upang walang maiiwan,” ani ng senadora.
