
Ni Ernie Reyes
TABLADO kay Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang plano ng Department of Health (DOH) na kumalap ng unlicensed nurse upang punan ang kakapusan ng naturang health workers sa government hospital dahil lalabagin nito ang umiiral na batas.
Sa pahayag, sinabi ni Pimentel na sa halip kumalap ng unlicensed nurses, dapat ipokus ng DOHG ang atensiyon nito sa pagpapahusay ng board exam at panatilihin ang 75% passing rate upang matiyak ang competency at integridad ng medical professionals.
“Stick to 75%, reexamine the exam, make it direct to the point, really test competence and readiness…It must be basic, entry-level questions for the nursing profession,” ayon kay Pimentel sa CNN Philippines’ The Source.
Nitong Lunes, inihayag ni Department of Health (DOH) Secretary Ted Herbosa na plano ng ahensiya na kumalap ng nursing graduates na nakakuha ng hindi bababa sa 70% sa kanilang board exam upang punan ang mahigit 4,000 bakanteng posisyon sa departamento.
Ayon sa DOH, nitong Mayo, ang Pilipinas ang pangunahing nagpapadala ng medical workers sa abroad kaya nagkaroon ng 130,000 kulang na nar sa bansa na maaaring mapunan sa loob ng 12 taon.
Kahit suportado ng ilang organisasyong medikal ang panukala ng DOH, sinabi ni Pimentel na mababawasan ang integridad ng test system kung papaya ang pamahalaan na kumuha ng graduates na bumagsak sa passing mark. “Itinakda ang 75%passing rates upang matukoy kung sino ang competent at handang magsilbi sa publiko.”
“The judgment has already been rendered in that exam that the (health) secretary was referring to, 75 was the passing grade,” ayon kay Pimentel.
“We cannot do something and then make believe that those who got lower than 75 all the way down to 70, we will make believe that they have also passed,” giit pa niya.
Makakampante lamang siya kung malalaman nai na sertipikado ang medical worker natin, giit ni Pimentel.
Idinagdag pa niya na kung ipatutupad ang pagkalap ng unlicensed nurses, dapat simulant ito sa susunod na board exam at dapat ihayag ang anumang pagbabago sa susunod na siklo ng pagsusuri.
Naganap angunang nursing board exam nitong Mayo at susundan sa Nobyembre.
“If the plan is implemented retroactively, this may lead to violations to existing laws and regulations, like the setting of the 75% passing grade, ayon kay Pimentel.