UMAKYAT ang bilang ng kaso ng leptospirosis sa Quezon City sa 108.27% mula Enero 1 hanggang Oktubre 7 ngayong taon kumpara sa katulad ng panahon noong nakaraang taon, ayon sa Quezon City local government unit.
Itinalaga ng Quezon City Epidemiology and Disease Surveillance ang 277 kaso ng leptospirosis mula Enero 1 hanggang Oktubre 7, 2023.
Ang district 2 ang may pinakamaraming bilang ng sakit na nasa 72 habang ang district 5 ang may pinakamababang kaso sa 28.
Samantala, 33 leptospirosis cases sa siyudad ang naitalang namatay, ayon pa sa lokal na pamahalaan.
Hiniling naman ng lungsod na agad magtungo sa ospital o center ang may sintomas ng sakit para sa tamang gamot.
Kabilang sa sintomas ang mataas na lagnat, sakit ng ulo, panginginig ng katawan, pagsusuka, pagkukulay dilaw ng balat, mapupulang mata, diarrhea at rashes. Gayunman, ang ilan ay walang sintomas ngunit nakakakuha ng sakit.
