Ni Jam Navales
BINIGYAN-DIIN ni House Committee on Health Vice Chairman at AnaKalusugan party-list Rep. Ray Reyes ang kahalagahan ng regular na pagpapatingin sa doktor para na rin agad na matukoy kung mayroong sintomas ng goiter at iba pang thyroid diseases ang isang indibidwal.
“Early symptoms of goiter and thyroid diseases are often overlooked. At karamihan sa ating mga kababayan ay nagpapatingin lang sa mga doktor kung malala na ang kanilang kalagayan,” sabi pa ni Reyes.
“When it comes to diseases like goiter, early detection is key.
Kaya naman patuloy namin isinusulong sa Anakalusugan ang pagkakaroon ng libreng checkup para sa lahat ng mga Pilipino,” dagdag pa ng neophyte pro-health advocate lawmaker.
Ang pahayag ay ginawa ni Reyes kasabay na rin sa paggunita sa bansa ng Goiter Awareness Week, na tuwing ikaapat na linggo ng Enero sa ilalim na rin ng Presidential Proclamation 1188.
Nauna rito, inihain ng House panel vice-chairperson ang kanyang House Bill No. 430 na nagsusulong para sa pagkakaroon ng free annual medical checkups ng bawat mamamayang Pilipino.
“The measure aims to establish a program that provides citizens with free annual check-ups including, but not limited to, blood sugar and cholesterol tests,” ang paliwanag pa ni Reyes sa naturan niyang panukalang batas. “Through free checkups and laboratory tests we will reduce hospitalization and improve the health of Filipinos,” giit din ng kongresista. Bukod sa regular checkups, hinimok din ni Reyes ang lahat na magkaroon ng iodine rich foods sa kanilang pang araw-araw na pagkaroon at palagiang kumain ng mga masustansiyang pagkain. “Pinggang Pinoy recommends that we eat a wide variety of fruits and vegetables and lessen the intake of salty, fried, fatty, and sugar-rich foods to prevent chronic diseases,” sabi pa ni Reyes.
Ani Reyes, ang goiter ay isang kondisyon kung saan ang thyroid gland ay mayroong abnormal enlargement at magreresulta sa pamamaga ng leeg.
Maaari rin magkaroon ng ibang signs at symptoms kabilang na ang madaling pagkapagod, pagbaba o pagtaa sa timbang, mahina o malakas na pagkain, dipresyon, panunuyo ng balat at buhok, hirap sa pagtulog, diarrhea o constipation at menstrual irregularities sa mga kababaihan. Paalala ni Reyes, kung ito ay hindi agad na malulunasan, maaari rin itong magresulta sa mas seryosong kalagayan, maging sa kamatayan ng ilan.
